Mengal Women Food Processing Facility, Binuksan na!

Cauayan City, Isabela- Pagpapahalaga sa hanay ng mga kababaihan. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan sa pagkabuo ng Mengal Women’s Organization na siyang dahilan ng pagkabuo rin ng Mengal Womens Food Processing Plant sa bayan ng Echague, Isabela.

Ayon sa may-bahay ni Mayor Kiko Dy na si Mrs. Jessica, ang hakbang na ito ay nagsimula sa pangarap Kung saan siya ang unang miyembro dito hanggang sa umabot na sa 9 libong kasapi.

Ang Mengal Women’s Processing plant ay lumilikha ng iba’t-ibang mga produktong pagkain na 100 porsyentong natural at ang mga raw material nito ay galing lahat sa bayan ng Echague na patatakbuhin ng mga kasaping kababaihan.


Ayon pa kay Mrs. Dy, ang mga nagagawang produkto ay ibinebenta rin sa mga pasalubong Center at sa echague Public Market.

Layon aniya nito na maipakilala sa publiko ang mga ipinagmamalaking produkto ng Echague at matulungan rin ang mga kababaihan na magkaroon ng pagkakakitaan.

Kahapon ay pormal na inilunsad ang Mengal Women’s Processing facilities katuwang ang LGU Echague.

Facebook Comments