Wednesday, May 27, 2026

MGA LEGAL NA MANLALAKO SAMANGALDAN, NANAWAGAN NG PANTAY NA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA 

Umaalma ngayon ang ilang manlalako sa pamilihang bayan ng Mangaldan dahil sa patuloy na pagbebenta ng mga ambulant vendors sa gilid ng kalsada.

Sa panayam ng IFM News Dagupan, naaapektuhan umano nito ang bentahan ng mga manlalako lalo na tuwing madaling araw dahil ang ilang mamimili ay sa labas na bumibili.

Nararapat lang umano na kumuha rin ng kaukulang business permit ang mga ito at pumwesto nang wasto para maging patas sa lahat ng nagnenegosyo sa loob ng pamilihan.

Samantala, may ilang ambulant vendors naman katulad ni Aleng “Nena”, hindi niya tunay na pangalan, na mula pa sa Nueva Vizcaya ang nagsabing nagbebenta sila sa gilid ng kalsada upang magkaroon ng pagkakakitaan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Matatandaang muling iginiit ng LGU ang ipinatutupad na ordinansa na nagbabawal sa pagsakop sa anumang bahagi ng national, provincial, municipal at barangay roads matapos ang patuloy na pagbebenta ng ilan sa mga kalsada ng JL De Guzman, Biagtan, Golea, Rizal at Frianeza Streets. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments