
Naglabas ng magkahiwalay na Show Cause Orders (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa dalawang pulis na nag-viral sa social media dahil sa pagmamaneho namg walang suot na helmet.
Sa unang nag-viral na larawan, isang rider ang namataang bumibiyahe sa pampublikong lansangan kasama ang kanyang angkas na hindi nakasuot ng helmet.
Habang sa ikalawang latawan, makikita ang isa pang rider na nagpapatakbo ng motorsiklo sa pampublikong kalsada nang walang suot na standard protective motorcycle helmet.
Dahil dito, pinapaharap ng LTO ang mga rehistradong may-ari ng mga motorsiklo at ang mga rider sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa kasong administratibo kaugnay ng paglabag sa Mandatory Use of Motorcycle Helmets/Failure to Wear Standard Protective Motorcycle Helmet at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Inilagay na rin sa alarm status ang mga ginamit na motorsiklo habang sinapupinde na sa loob ng siyamnapung (90) araw ang mga lisensya ng mga rider.
Inatasan din silang agad na isuko ang kanilang mga lisensya sa IID habang isinasagawa ang imbestigasyon.










