Patuloy na dinadagsa ang Tourist Rest Area, dito sa Lingayen Capitol, lalawigan ng Pangasinan.
Mula nang buksan sa publiko ang kauna-unahang Tourist Rest Area sa lalawigan, tumaas na rin ang bilang ng mga turistang bumibisita rito lalo na noong kasagsagan ng summer season.
Bukod sa pagiging pahingahan ng mga turista, nakatutulong din ang pasilidad sa pagpapakilala ng mga produktong gawa ng mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs mula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan.
Kabilang dito ang mga lokal na delicacies, souvenir items at iba pang produktong mula sa Bolinao, Umingan, Bayambang, Basista, Mangaldan, Mapandan, Dagupan, Mabini at iba pang bahagi ng lalawigan.
Ayon pa sa pamunuan ng Tourist Rest Area, patuloy na tinatangkilik ng mga bumibisita ang mga lokal na produkto dahilan upang regular na magdagdag ng panibagong suplay ang mga lokal na entrepreneur.
Samantala, patuloy namang inaanyayahan ng Tourist Rest Area ang publiko na bisitahin ang pasilidad upang makabili ng mga pasalubong at matuklasan ang iba’t ibang produktong ipinagmamalaki ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










