Meralco Bolts at Barangay Ginebra, magkakabanggaan muli mamaya para sa game 5 ng best of seven finals ng PBA Governor’s Cup

PBA – Aarangkada mamayang gabi ang game 5 ng best of seven series sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts sa nagpapatuloy na finals ng PBA Governor’s Cup.

Matatandaang naitabla ng Bolts ang serye sa 2-2 matapos talunin ang Ginebra nitong Biyernes.

Pangungunahan muli ni Allen Durham ang Bolts kasama sina Chris Newsome, Baser Amer, Cliff Hodge at Jared Dillinger, para makamit ang panalo na maglalapit sa kanila sa pinakamimithing unang titulo.


Inaasahang babawi naman ang Ginebra sa masakit nilang pagkatalo na bibidahan naman nina L-A Tenorio, Japeth Aguilar, Justin Brownlee at Scottie Thompson.

Facebook Comments