Meralco, inanunsyo ang dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ng P0.7226 kada kWh na pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Abril.

Ayon sa Meralco, pangunahing sanhi ng dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ang pagtaas ng generation charge ng P0.7278 kada mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Bunga nito, papalo na sa P13.0127 kada kWh ang kabuuang rate para sa pangkaraniwang pamilya.

Para sa mga tipikal na customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas naman ito ng P145 na dagdag sa kanilang kabuuang bill.

Inihayag ng Meralco na ang pagtaas ng P3.4205 kada kWh ng WESM ay sa harap ng manipis na supply ng kuryente sa Luzon Grid nitong Marso.

Tumaas anila ang average demand ng 816MW habang 1,123MW naman ang itinaas ng peak demand.

Nagkaroon din anila ng P0.1163 kada kWh na pagtaas sa iba pang bayarin kabilang na ang buwis.

Facebook Comments