Mga alituntunin sa Alert Level System, pinapakabisado sa mga provincial police officers sa buong bansa

Mahigpit ang bilin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga police regional offices na tiyaking kabisado ng kani-kanilang mga tauhan ang mga patakaran sa iba’t ibang alert level para maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad nito.

Ito ay matapos na magdesisyon ang national government na ipatupad na rin ang COVID Alert Level System sa labas ng National Capital Region (NCR) mula ngayong araw hanggang October 31.

Para kay PNP chief, hudyat na ito nang unti-unting pagbabalik sa normal ng sitwasyon sa bansa.


Pero, sinabi ni PNP chief na hindi ito dahilan para mag-relax ang PNP, at may kautusan na ang mga unit commanders na siguraduhing ang mga pinaluwag na patakaran ay hindi magreresulta sa pagkakaroon ng mga “superspreader events”.

Samantala, ngayong araw ay may panibagong 61 na kaso ng COVID-19 sa PNP kaya umabot na sa kabuuang 41,398 ang COVID cases habang mayroon namang 63 ang naitalang gumaling ngayong araw sa COVID-19 kaya may kabuuang 40,427 recoveries sa hanay ng PNP.

Facebook Comments