Mga Alkalde sa Metro Manila, pupulungin para talakayin ang mabilis na paglilipat sa mga informal settlers

Pupulungin ngayong araw ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año ang mga alkalde sa Metro Manila para pag-usapan ang mabilis na paglilipat ng mga informal settlers mula sa palibot ng mga coastal waters patungo sa mga in-city at provincial resettlement sites.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, nais ni Secretary Año na matiyak ang kooperasyon ng mga alkalde sa National Capital Region o NCR sa pag-monitor sa mga business establishments at iba pang polluters sa Manila Bay.

Aniya, lubhang mahalaga ang suporta ng mga Local Government Unit o LGUs sa tagumpay ng rehabilitasyon sa coastal waters.


Hinimok ng DILG ang lahat ng local governments sa palibot ng Manila Bay na magpakita ng magandang halimbawa sa mga private establishments—residential at commercial sa pagsunod sa Clean Water Act and Ecological Solid Waste Management Act.

Lahat ng establisyemento, lalo na sa Manila Bay area ay dapat tiyaking nakakonekta sa sewer lines o magkaroon ng kanilang sariling sewage treatment plants para sa maayos na wastewater disposal.

Binatikos din ni Malaya ang pahayag ng Makabayan bloc na ang rehabilitation plan ay magbibigay daan lang sa pagpapatupad ng 40 reclamation projects.

Facebook Comments