*Cauayan City, Isabela*- Nadiskubre ng tropa ng 86 Infantry Battalion ang mga inabandonang mga kalibre ng armas at subersibong dokumento kahapon (Enero 31, 2020) sa isang bahay sa Sitio Dibilisawan, Brgy. Sta. Isabel, Jones, Isabela.
Ayon kay 1LT. Raymar Inutao, CMO Officer, pinaniniwalaang gamit ng mga miyembro ng Kilusang Larangan Guerilla- (Quirino-Nueva Vizcaya) ang mag nadiskubreng armas at mga subersibong dokumento na ginagamit sa kanilang grupo upang makapanghikayat.
Narekober ang dalawang (2) M14 rifles, dalawang (2) magazine, 35 piraso ng 7.62 na mga bala at mga dokumento habang libu-libong bala ang kanila ding nadiskubre sa hiwalay na lugar sa parehong barangay.
Tinatayang nasa 960 piraso ng 5.56 live ammunition para sa M16 rifles.
Nagpasalamat naman si Lt.Col. Ali Alejo, Commanding Officer ng 86IB sa publiko partikular na rin sa mga opisyal ng barangay sa lugar na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga armas at dokumento.
Samantala, idineklara ng Persona-Non-Grata ang mga komunista sa Brgy. Sta. Isabel.