Mga bagong opisyal ng Philippine Marine Corps at Naval Reserve Command, pormal nang naupo sa pwesto

75

Pamumunuan na ngayon ni Major General Charlton Sean Gaerlan bilang bagong commandant ang Philippine Marine Corps.

Habang si Brigadier General Joseph Ferrous Cuison naman ang magsisilbing commander ng Naval Reserve Command.

Ang panununumpa sa tungkulin ng dalawang opisyal ay isinagawa sa Joint Change of Command Ceremony sa Philippine Navy Headquarters.


Nabatid na bago umupo bilang ika-35 Commandant ng Phil. Marine Corps, pinamunuan muna ni Maj. Gen. Gaerlan ang AFP Education, Training and Doctrine Command.

Miymebro rin ito ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989.

Habang si Brigadier General Cuison ng PMA “Bigkis Lahi” Class of 1990 ay nagsilbi bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) deputy inspector general bago manungkulan bilang commander ng NRC.



Facebook Comments