Dagupan City – Binida kahapon sa lansangan ng Dagupan City ang nasa 30 bagong Public Utility Vehicles na bibyahe mula sa lungsod to any point ng Pangasinan at maging sa ibang panig ng rehiyon uno. Parte ito ng “One Time Big Time” simultaneous nationwide launching na transport modernization program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and the Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay LTFRB Region 1 Dir. Nash Talipasan sampung mga taxi umano ang bibyahe sa lalawigan ito ay kompleto mula sa pagkakaroon ng wifi, dash cam, at environmentally friendly. Layon ng proyekto ang makapagbigay ng ligtas, maayos, at maginhawang commuting experience sa mga pasahero.
Isa umano ang Dagupan City sa napiling launching area sa kadahilanang nangunguna ito sa north at central Luzon bilang business at education center. Dagsa naman ang mga franchisers na hinihikayat ng ahensya sa modernization program.
Samantala bago umano tuluyang umarangkada sa mga kakalsadahan ang mga nasabing PUVs ay aayusin muna ang itatakda nilang rate ng pamasahe at markings. Tiniyak din ng ahensya na magkakaroon din ng nasa P5,000 na inisyal na ayuda para sa mga drivers at P20,000 para sa mga legitimate franchiser.