Mga bakwit sa Mt.Firis nagkakasakit na

Dahil sa hindi maayos na kalagayan sa mga evacuation area sa Mt.Firis at sitio Bagong datu Saudi maguindanao ay Nagkakasakit na umano ang ilang mga bakwit, ito ang ipinarating na impormasyon ni Jovel Tenorio batay sa panayam natin sa kanya kahapon.
Anya nagkatae-tae, trangkaso, ubo at sipon na ang mga bakwit dahil silay natutulog na lang sa lupa..
Nanawagan sila sa mga kinauukulan na sana ay madalaw din sila ng medical team para masuri ang kanilang kalagayan at mabigyan ng gamut.
Sinabi pa ni Jovel na tensionado parin sa lugar dahil naroon parin ang presensiya ng BIFF.
Binisita kamakalawa ng ARMM HEART team ang mga bakwit sa Datu Hoffer Maguindanao para mamahagi ng relief goods kasama nito ang Office of Southern Cultural Communities o OSCC-ARMM.

Facebook Comments