Cauayan City, Isabela – Idineklara na drug cleared at drug free ang ilang barangay sa Cauayan City at sa mga bayan ng Echague, Reina Mercedes, Naguilian at Cabagan na ginanap kahapon sa Fl. Dy Coliseum, Cauayan City, Isabela.
Pinangunahan ito ni Police Provincial Director Mariano Rodriquez, PDEA, mga hepe at mayor ng nabanggit na mga bayan at mga kinatawan ng Pamahalaang Panglungsod ng Cauayan City.
Kabilang ang limang barangay sa Cauayan City ay ang Brgy. Bugalion, Dianao, Carabatan Punta, Cabugao at Rizal habang sa bayan ng Echague ay Brgy. Gumbauan.
Ang Brgy. Sallucong naman sa bayan ng Reina Mercedes, Brgy. Tomines at Cabaruan sa bayan ng Naguilian samantalang may apat na Brgy. na drug cleared sa bayan ng Cabagan ang Brgy. Union, Antonio, Mabangug at Saui.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Provincial Director Rodriquez, na malaki ang pasasalamat nito sa partisipasyon at pakikiisa ng bawat barangay at munisipalidad sa kanilang kampanya krontra iligal na droga.
Nagpahayag din ng kasiyahan ang opisyal dahil sa mas marami na umano ang katuwang ng kapulisan sa mabilis na pagsugpo ng droga sa lalawigan ng Isabela.