Ngayong panahon na muli ng tag-lamig, mga batang nasa edad lima (5) pababa ang pinaka madaling kapitan umano ng mga nakahahawang sakit katulad na lamang ng acute respiratory infections.
Sa ating naging panayam kay Doc. Lorelei Faith Banigued, Medical Officer 3 ng Cauayan District Hospital, sa kanilang pagtataya, karamihan umanong isinusugod sakanilang ospital ay yaong mga batang nakararanas ng ng asthma, pneumonia, at iba pa.
Maaaring dahilan umano sa pagkakaroon ng nabanggit na sakit ng mga bata, dahil sa kulang ang mga ito sa bakuna.
Ngayong panahon ng tag lamig at pabago bago ang panahon ay inaasahang dadami pa ang kaso ng mga batang tatamaan ng nasabing impeksyon.
Samantala, patuloy naman ang paalala ni Doc. Banigued, lalo na sa mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak.
Siguruhin rin aniya na mayroong sapat na bitamina ang mga bata upang makaiwas sa anumang uri ng karamdaman.
Facebook Comments