MENOR DE EDAD, GINAHASA; 3 SUSPEK ARESTADO

Kulungan ang bagsak ng tatlong kalalakihan na wanted sa batas dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad sa Rizal, Kalinga.

Ang unang suspek ay arestado sa dalawang bilang ng kasong rape na walang inirekomendang piyansa.

Nahaharap din sa kasong rape at Acts of Lasciviousness na may P36,000 inirekomendang piyansa ang pangalawang suspek.

Habang ang pangatlo naman ay nadakip din sa kasong rape matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inisyu laban sa kanya habang siya ay nag-aabang ng masasakyan sa highway partikular sa Junction, Liwan West, Rizal, Kalinga patungo sana sa Tuguegarao City.

Sila ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Rizal MPS bilang lead unit, PIU Kalinga, Tabuk CPS, 1st KPMFC, RMFB 1503rd, PIU 14, Pinukpuk MPS, R2 PRO-COR noong Nobyembre 20, 2022.

Ang kaso ay nag ugat sa reklamo ng sekswal na pang aabuso ng tatlong suspek sa isang menor de edad na naganap sa magkakaibang oras, araw at lugar noong 2011 pa.

Facebook Comments