Mga batang inalis sa pangangalaga ng Gentle Hands Orphanage, tiniyak ng DSWD na nasa mabuting kalagayan

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na maayos ang kalagayan ng mga batang inalis sa Gentle Hands Orphanage.

Sa budget deliberation, ay sinabi ng sponsor ng 2024 budget ng DSWD na si Senator Imee Marcos na pansamantala nang sinuspinde ang license to operate ng Gentle Hands.

Hanggang sa ngayon din ay hindi pa rin nakakasunod ang Gentle Hands Orphanage sa fire safety at iba pang building requirement.


Sa huling update, ay nagsampa na ang mga nanay ng mga batang nanatili sa Gentle Hands ng apat na criminal cases laban sa mga namamahala sa orphanage base sa akusasyong kinidnap ang kanilang mga anak at pinapaampon nang labag sa kanilang kagustuhan.

Ang mga bata ay inilipat na rin sa mas ligtas na lugar na mas malalaki ang pasilidad.

Facebook Comments