Tinanggap ng mga batang mag-aaral sa Child Development Centers sa Brgy. Oraan West, Calaocan, Sapang, Cabanbanan, at Pantal sa Manaoag bilang proteksyon sakaling makaranas ng lindol.
Ayon sa lokal na pamahalaan, itinuturing na pinaka nanganganib sa mga sakuna dahil sa kanilang pisikal na pangangatawan at murang kamulatan sa mga panganib dahilan upang pagtuunan ang kanilang kaligtasan.
Bukod pa rito, magsasagawa rin ang MDRRMO ng earthquake simulation training para sa mga guro sa Child Development Centers, mga magulang, at mga bata upang maturuan sila sa wastong paghahanda sa anumang sakuna at maprotektahan ang mga kabataan.
Nakatakda pang tapusin ang pamamahagi ng hard hats sa lahat ng nasasakupang Child Development Centers sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








