Tinitiyak ng Department of Environment and Natural Resources-ARMM sa pamumuno ni Secretary Hadji Kahal Q. Kedtag na ang bawat munisipyo sa ARMM ay sumusunod sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Plan o ang pagkakaroon ng systematic, comprehensive at ecological solid waste management program.
Sa katunayan, ang departamento ay nagbabahagi ng technical aid sa mga komunidad sa ARMM bilang suporta sa adbokasiya.
Namumudmod din ito ng malalaking trash bins sa LGUs, nangangasiwa ng clean-up drives at nagrerekomenda ng ecological waste management policies.
Noong September 2017, inilunsad ng DENR-ARMM ang kauna-unahang sanitary landfill sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao na nagsisilbing final disposal site para sa solid at residual wastes ng mga munisipyo.(photo credit:denrarmm)
Mga bayan sa ARMM, sumusunod sa tamang pamamahala ng basura!
Facebook Comments