Magat Dam, magpapakawala ng tubig bukas

Magpapakawala ng tubig ang Magat Dam bukas ng umaga, October 29.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Paeng.

Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda, isang gate na may opening na isang metro ang bubuksan sa Magat Dam.


Aabot naman sa 200 cubic meters per second ang papakawalang tubig.

Sa monitoring hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 186.98 meters ang water level sa Magat Dam.

Facebook Comments