MGA BEACHGOERS, PATULOY NA DUMAGSA SA ALAMINOS CITY NOONG EASTER SUNDAY

Patuloy na dinagsa ng mga turista ang mga baybayin at pook pasyalan sa Alaminos City hanggang Easter Sunday.

Ilan sa mga sikat na pook pasyalan sa lungsod na lubos dinarayo tuwing long weekend ay ang pamosong Hundred Islands National Park, Bolo Beach, Lucap Park at ang Pilgrimage Island.

Bago pa lamang ang umpisa ng Holy Week, nagpatupad na ang lokal na pamahalaan ng Drop and Pick-up Policy para sa mga motorboats para sa accommodation ng mga nais mag island-hopping.

Naglabas din ang tanggapan ng mga DOT-accredited establishments at services bilang gabay sa mga naghahanap ng matutuluyan.

Patuloy din ang monitoring at patrol ng City Disaster Risk Reduction Management Council para sa response cluster sa mga pasyalan.

Nagbigay paalala rin ang awtoridad ang pag-iingat at pakikiisa ng mga turista pagdating sa mga ipinatutupad na alituntunin upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Isa ang Alaminos City sa mga pinakabinibisitang lugar sa Ilocos Region at kabilang sa may pinakamataas na tourist arrivals ayon sa Department of Tourism. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments