Sa panayam ng IFM News Team, kabilang sa mga nagtaas ang presyo ay talong, repolyo, at okra dahil ito umano ang madalas bilhin sa mga salo-salo bilang pag-iwas sa karne noong Semana Santa.
Tumaas ng P20 ang kada kilo ng talong noong nakaraang linggo na ibinebenta ng P80 mula sa dating presyo na P60 maging ang repolyo na umabot ng P100 mula sa dating P80.
Umabot naman ng P80-P100 ang presyuhan ng okra mula sa dating P60.
Wala naman nakitang paggalaw sa presyo ng mga native at iba pang highland vegetables tulad ng patatas, carrots, ampalaya at malunggay.
Ayon sa mga tindera, nakabawi umano sila noong nakaraang linggo dahil diretso ang naging dagsa ng mga mamimili sa kabila ng taas presyo sa gulay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments