Mga benepisyaryong hindi pa nakatanggap ng second tranche ng Social Amelioriation Program, nasa 200,000 pa – DSWD

Aabot sa 200,000 beneficiaries ang hindi pa nakatanggap ng ayuda mula sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, patuloy ang pagsasagawa ng manual payout sa mga natitirang SAP 2 beneficiaries.

Aniya, ang delay sa pamamahagi ng ayuda ay dahil sa challenges na dulot ng digital platform.


Hinikayat naman ng DSWD ang 200,000 beneficiaries na hintayin lamang ang anunsiyo ng kanilang mga local field office kung kailan maibibigay sa kanila ang ayudang mula P5,000 hanggang P8,000.

Facebook Comments