
Nagbigay ng agarang tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa at pamilya ng mga naapektuhan ng trahedya sa landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City.
Sa ilalim ng Employees’ Compensation Program, makatatanggap ng death at funeral benefits ang pamilya ng mga nasawing manggagawa.
Ang mga nasugatan sa insidente ay maaaring makakuha ng sickness, disability, at medical assistance.
Ayon sa DOLE, pinabibilis na ang pagproseso ng mga benepisyo katuwang ang Social Security System (SSS) at ang kumpanyang may-ari ng landfill.
Bukod dito, magbibigay rin ang ahensya ng emergency employment at livelihood assistance sa mga kwalipikadong biktima sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at iba pang programa ng kagawaran.
Patuloy naman ang profiling upang matiyak na agad na makararating ang tulong sa mga apektadong manggagawa at kanilang mga pamilya.










