Mga biktima ng naarestong pekeng recruiter sa Laguna, sunud-sunod na lumalantad

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na umaabot na sa mahigit sa 30 biktima ng naarestong pekeng recruiter sa Laguna ang lumantad.

Ayon sa DMW, nagsampa na rin ng reklamo ang mga lumantad na biktima ng suspek na si Ynice Mojica Hugo.

Si Hugo ay nahaharap sa mga kasong large-scale illegal recruitment at estafa.

Nabatid na ang suspek ay nagpapakilalang recruiter ng JS Contractor Incorporated, isang lisensyadong recruitment agency, at nag-aalok ng trabaho sa Taiwan bilang factory worker na may sahod na Php 79,000.00 kada buwan.

Ilan sa mga biktima ay pinangakuan nitong makakaalis ng Mayo subalit nabigo itong tuparin ang kanyang mga pangako sa kabila ng nakakolekta na siya ng mga pera sa mga biktima.

Facebook Comments