Mga Brgy. Kagawad at Tanod na Sumailalim sa Mass Testing sa Tuguegarao City, Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang dalawang (2) barangay kagawad at dalawang (2) barangay tanod sa Carig Sur, Tuguegarao City matapos ang pagsailalim sa agressive mass testing kamakailan sa Pengue, Tuguegarao City.

Batay sa datos na mula sa PESU, si CV 3619 ng Zone 4, Fabroa St. Carig Sur, Tuguegarao City ay nagsimulang nagkaroon ng sipon noong November 23 at na-swab test noong November 24. Dinala ang specimen samples nito sa Philippine Red Cross Isabela Molecular Laboratory.

Kabilang din sa nagpositibo ang brgy. kagawad na si CV 3619. Siya ay nakaranas ng sipon na nagsimula noong November 23.


Positibo rin sa COVID-19 si CV 3620, isang barangay tanod na nakatira sa Zone 3 Mora St. Carig Sur, Tuguegarao City. Siya ay walang ipinapakitang sintomas ng virus ngunit positibo sa virus.

Asymptomatic rin ang brgy. tanod na si CV 3621 ng Zone 6 Antonio St. Carig Sur, Tuguegarao City.

Ang apat na nagpositibo ay umasiste sa relief operation sa barangay hall noong kasagsagan ng malawakang pagbaha sa Cagayan.

Sila ay kasalukuyan nang naka-home quarantine at muling sasailalim sa pangalawang swab test.

Kaugnay nito, bumaba sa 37 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod sa pinakahuling tala ng PESU kahapon, November 28, 2020.

Facebook Comments