Patuloy na hinihimok ng Department of Health (DOH) ang mga buntis na magpabakuna na laban sa COVID-19 para maprotektahan ang kanilang babies.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring makaapekto ang COVID-19 sa placenta ng mga nagdadalang tao na pwedeng magresulta sa injury o pagkamatay ng sanggol.
Batay sa pag-aaral ng British medical journal, sinabi ni Vergeire na 5,000 pregnant women na hindi pa bakunado ang nagpositibo sa virus at nakaranas ng kumplikasyon sa kanilang pagbubuntis gaya ng critical care admission, stillbirths o pagkamatay ng bata habang nasa sinapupunan at pagkamatay ng newborn babies.
Muli ring iginiit ni Vergeire na ligtas at epektibo ang COVID-19 vaccines.
Facebook Comments