DOLE, maglalabas ng panuntunan para sa work-from-home setup

Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng implementing rules and regulations (IRR) ng telecommuting law para sa mga pribadong kompanyang may work-from-home setup.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Teresita Cucueco, dapat na malinaw ang patakaran at benepisyo na matatanggap ng mga empleyadong naka-work-from-home gayundin ang overtime pay.

Aniya, dapat ding i-provide ng mga kompanya ang gadget na gagamitin ng kanilang empleyadong naka-work-from-home.


Giit pa ni Cucueco, kailangang magkasundo ang kompanya at ang manggagawa sa mga patakaran sa work-from-home setup.

Facebook Comments