Mga Chinese nationals na sangkot sa iba’t-ibang iligal na aktibidad, pinapa-deport ng isang Senador

Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, ang agarang pagpapa-deport sa lahat ng mga Chinese na sangkot sa prostitusyon, korapsyon, panunuhol sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan at iba pang iligal na aktibidad.

Diin ni Pangilinan, hindi natin dapat hayaan na patuloy tayong binabastos sa sarili nating bahay ng mga Chinese na karamihan ay konektado sa Philippine Offshore and Gaming Operators o POGO.

Ayon kay Pangilinan, sa loob ng nagdaang tatlong taon ay tumindi ang mga iligal na gawain ng mga Chinese katulad ng paglusot ng bilyun-bilyong pisong halaga ng iligal na droga sa Bureau of Customs (BOC).


Binanggit din ni Pangilinan, ang iligal na paninirahan ng mga Chinese sa Pilipinas at pag-agaw sa mga trabaho na dapat ay sa mga magagawang Pilipino.

Gayundin aniya ang paglala ng prostitusyon at trafficking na bumibiktima sa mga Pilipina at kabataang Pilipino.

Dahil dito ay umapela din si Pangilinan na ipatigil na agad ang operasyon ng mga POGO companies na sangkot sa mga krimen at iba pang iligal na gawain.

 

Facebook Comments