*Cauayan City, Isabela- *Nagharap na kahapon sa mismong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Ilagan City ang 27 na complainant ng ECC Enjoy Shopping Center Corporation-Cauayan at may-ari nito na si Michael Cu.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa hinaing ng halos lahat na mga empleyado ng ECC hinggil sa hindi pagbabayad ng kanilang holiday pay, overtime pay at hindi pamimigay ng 13th month pay sa ilang trabahador.
Sa mismong pagtutok ng RMN Cauayan sa pagharap ng magkabilang panig kasama ang representative ni Michael Cu na si Gilbert Ngo ay napagkasunduan na dapat maibigay ang mga proposed claims ng mga claimants.
Binigyan naman ng DOLE Ilagan City ng 30 araw na palugit ang ECC upang maibigay ang kabuuang bayad sa bawat claimants base sa kanilang na-compute na halaga.
Kaugnay nito ay naibigay na umano ang bayad sa sahod ng ilan sa mga apektadong empleyado mula noong Dec.31, 2018 hanggang Dec. 31, 2018.
Samantala, umaasa naman ang mga nasibak na complainant na ibibigay ng kanilang boss ang napagkasunduang bayad upang maayos na ang isyu.