MGA DATING NAKATIRA SA PAGTATAYUAN NG BORACAY TOURISM MARKET PINABIBIGYANG PRAYORIDAD NA MAKAKUHA NG STALLS

Malay, Aklan – Pinabibigyang prayoridad ni Aklan Sangguniang Panlalawigan member Jupiter Ealred Gallenero, na mabigyan ng stalls ang mga mamamayan sa isla ng Boracay na dating nakatira sa Wetland No. 6, Block G. Project No. 13-A per Land Classification Map No. 3642 sa barangay Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay, Aklan na ngayon pinaplanong patatayuan ng Boracay Tourism Market. Ayon kay SP Member Gallenero, karamihan nang mga dating nakatira dito ay meron namang hinahawakang Tax Declaration, pero dahil sa Proclamation 1064 na ang Wetland No. 6 ay iprinoklamang pagmamay-ari ito ng gobyerno, pinaalis ang mga naninirahan dito at hanggang ngayon ay hindi naman nabigyan ng magandang relokasyon. Kung matapos aniya ang gagawing Boracay Tourism Market at may interesadong mga dating naninirahan sa lupa na pagtatayuan nito na magnegosyo, sana umano prayoridad silang mabigyan ng puwesto. Matanda na inaprubahan na ng 19th Aklan Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan ni Governor Jose Enrique Miraflores na mabigyan siya ng awtoridad na mag-apply para ng Forest Land Agreement for Tourism purposes FLAgT sa Department of Environment and Natural Resources DENR para nga sa ipapatayong Boracay Tourism Market.
Facebook Comments