Ito’y sa kabila nanaman aniya ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Lungsod at pagsulpot ng Omicron variant kung saan mas mainam aniya na mayroong sapat na proteksyon sa sarili laban sa virus.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay VM Dalin, tuloy-tuloy aniya ang ginagawang pagbabakuna ng mga vaccinators sa Lungsod na dapat samantalahin ng mga Cauayeñong hindi pa nababakunahan.
Mahalaga rin aniya ngayon ang pagiging bakunado para hindi na rin mahirapan sa pagpasok sa mga establisyemento.
Matatandaan na naglabas na ng Executive Order ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga establisyemento na ipatupad ang “No Vaccine, No Entry” kung saan kasalukuyan na itong iniimplementa ng ilang kompanya.
Kaugnay nito, bagamat nalagpasan na ng Cauayan City ang 70% na vaccination rate ay patuloy pa rin ang paghimok ng LGU sa mga natitira pang unvaccinated.