Mga dumalo sa Pride Festival sa Quezon City, umabot sa 200k – QC LGU

Umabot sa 200,000 ang mga nakiisa sa Love Laban 2 Everyone Pride Festival na isinagawa kahapon sa Quezon City.

 

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, bagama’t maagang natapos kagabi ay naging maayos at ligtas pa rin ang programa na nagsimula umaga pa kahapon.

 

Matatandaang hindi na natuloy ang concert dahil sa nakompromisong electrical at sound system sa stage dulot ng malakas na ulan.


 

Dahil dito, nagdesisyon ang organizers na kanselahin na ang programa upang masiguro ang kaligtasan ng mga crew at performers.

 

Kaugnay niyan, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na ipagpatuloy lamang ang laban lalo na’t hindi lamang isang araw ang Pride at marami pa anilang pagkakataon na muling magsama-sama.

 

Nabigo ang libu-libong dumalo na mapanuod ang performance sana nina Vice Ganda, Gloc 9 at BINI dahil sa buhos ng ulan.

Facebook Comments