Sa ibinahaging impormasyon ni Isabela State University President Dr. Ricmar Aquino, sa kasalukuyan ay umabot na umano sa 2,000 mag-aaral mula sa ISU-Echague ang nagenroll ng ROTC.
Bagaman may ilang kumokontra parin sa muling pagpapatupad ng nasabing pagsasanay ay kumpara nitong mga nakaraang taon, mas marami na umano ang naeengganyong sumubok at pumasok sa nasabing programa.
Ayon pa kay Dr. Aquino, siya mismo ay produkto rin ng ROTC kaya alam umano nito ang importansya ng programa hindi lang para sa bansa kundi maging sa kanyang sarili at pamilya.
Dagdag pa nito, marami ang nakahandang oportunidad na naghihintay sa bawat estudyanteng magtatapos sa ROTC.
Posible nang maipatupad ang nasabing programa kapag naaprubahan na ng Kongreso ang panukala ukol sa Mandatory ROTC sa unang tatlong buwan ng taong 2023.