Mga flights sa Kalibo International Airport madadagdagan pa

Kalibo, Aklan— Kasunod ng pagsailalim sa alert level 1 sa probinsya ng Aklan at pagpapaluwag ng ilang restrictions, inaasahan ng Kalibo International Airport na madadagdagan pa ang mga flights. Ayon kay Engr. Eusebio Monserate, ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, sinabi nito na dumarami na ang mga pasahero at turista na dumadaan sa paliparan. Dagdag pa nito na apat na flights palang bawat araw ang mayroon sa KIA ngunit nakapagpadala na ng proposal ang ilang airline companies para sa karagdagang byahe. Posible umanong sa buwan ng Abril ay aabot na sa pito o walong flights bawat araw ang lalapag sa paliparan. Sa ngayon hindi pa masabi ni Engr. Monserate kung kailan babalik ang mga international flights dahil kasalukuyan pang pinag-uusapan ang magiging protocol.
Facebook Comments