Muling pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga foreign national na may hawak na ACR-I Cards o Alien Certificate of Registration Identity Card hinggil sa kanilang annual report ngayong taon.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval sa Balitaan sa Tinapayan, bawat foreign nationals na nananatili at rehstrado sa bansa na may hawak ma ACR-I Cards ay mayroong silang 60-araw para magpasa ng kani-kanilang annual reports.
Aniya, ang deadline ng pagpapasa ng annual report ay hanggang sa March 1, 2023 kung saan pinapayuhan niya ang mga foreign nationals na huwag ng hintayin pa ito upang hindi magkaroon problema ang pananatili nila sa bansa.
Sinabi pa ni Sandoval na maraming mga itinalagang tanggapan at opisina ang BI para maproseso mg mga foreign nationals na may hawak na ACR-I Cards ang kanilang annual report habang maaari din silang magpa-appointment via online.
May mga satellite office din sila sa mga mall sa Maynila para mas mabilis ang pagpasa nila ng annual report.
Ang mga hindi naman makakapunta o makakapasa ng personal ay maaaring magpadala ng kani-kanilang representative basta’t mayroon silang authorization letter.
Samantala, pinaghahandaan naman ng Immigration ang pagdagsa ng mga turista pagsapit namana ng summer vacation habang patuloy silang naghahanap mg karagdagang tauhan para maitalaga sa iba’t iba nilang tanggapan.