Mga gas installations sa Batangas, pinasisilip na rin bilang pag-iingat sa epekto ng lindol

Manila, Philippines – Upang matiyak na ligtas ang imbakan ng mga langis sa Batangas matapos ang sunud-sunod na paglindol ay hiniling ng isang kongresista na silipin na rin ang mga ito.

Hinikayat ni House Deputy Minority Leader at Makati Rep. Luis Campos Jr. ang Department of Energy na agad inspeksyunin ang mga gas installations sa Batangas.

Posible kasing mas sensitibo pa ang mga oil at gas installations sa lindol kumpara sa mga planta ng kuryente kaya dapat matiyak na ligtas ito.


Mungkahi ng kongresista sa DOE, atasan ang mga kumpanya ng langis sa Batangas na magsumite ng status report sa kanilang mga pasilidad at kung anong safety checks ang ginawa ng mga ito matapos ang nangyaring lindol.

Dagdag dito ay nasa Batangas ang oil refinery at LPG depot ng ilang oil companies gaya ng Shell at Phoenix petroleum.

Facebook Comments