Mga grupo ng estudyante, ipinanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nanawagan na ng pagbibitiw sa puwesto ni President Rodrigo Duterte ang Youth Act Now Against Tyranny at League of Filipino Students dahil sa tumitinding karahasan sa kanilang hanay at sa tumaas na antas ng paglabag sa demokratikong karapatan sa ilalim ng Duterte administration.

Sa isang press conference, sinabi ni Francis Mabutin, tagapagsalita ng Youth Act Now Against Tyranny, pagkatapos lamang ng selebrasyon ng Martial law noong September 21, tumindi ang harassment sa mga lider estudyante.

Sa katunayan dalawang PUP students ang inalisan ng representasyon sa student regent.


Isinara din ang student publication ng ilang pamantasan tulad ng Lyceum of the Philippines University.

Ayon naman JP Rosos, spokesperson ng LFS, hina-harass ang kanilang lider sa loob ng kampus at pinupuntahan din ng intelligence group sa kanilang tahanan para sabihan na tumigil na sa kanilang gawain.

Facebook Comments