Mga grupo ng transportasyon, nagsagawa ng kilos protesta pero bigo na makausap ang alkalde ng Maynila.

Nabigong makausap si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng iba’t ibang grupo ng transportasyon na nais matanggal ang Non-Contact Apprehension Policy (NCAP) ng national at mga lokal na pamahalaan.

Ang grupo ng transportasyon ay nagtipon- tipon sa Morayta at nagsagawa ng caravan protest patungong Parde Burgos katabi lamang ng Manila City Hall para igiit ang kanilang posisyon laban sa NCAP ng lungsod ng Maynila.

Layon sana ng grupo na makipag- dayalogo sa alkalde at pakinggan ang kanilang hinaing at reklamo laban sa NCAP na ipinatutupad ng lungsod.


Ang kilos protesta ay bahagi ng serye ng mga pagkilos ng transport group laban sa pagpapatupad ng NCAP hindi lamang sa national kundi maging sa mga lokal na pamahalaan na nag-adapt ng NCAP.

Aminado rin ang mga transport group na mahihirapan silang maigiit ang kanilang panig pero sana anila ay i-fine tuning o rebisahing mabuti ang polisya at magkaroon muna ng konsultasyon para sa maayos na sistema ng pagpapatupad.

Facebook Comments