
Patuloy ang pagpapaigting ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga programa at kampanya na layong maging maayos ang koleksiyon ng buwis sa bansa.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, layon nitong gabayan ang mga taxpayers para mas maintindihan ang kanilang obligasyon at ipaalam pa ang mga kinakailangan gaya ng mga requirement.
Kasabay nito, inilunsad na rin ng ahensiya ang South Luzon leg ng 2026 Regional Tax Campaign bilang paghahanda sa filing season ngayong Abril.
Kasama sa inisyatibo ang Digital Interactive Tax Calendar, QR code verification tools, at Taxpayer Portal para sa mas madaling access sa registration, filing, at payment records.
Tiniyak din ng BIR na paiigtingin nila ang audit at pagpapatupad ng batas laban sa mga lumalabag kabilang ang iligal na vape products at ang paghabol sa mga tax evaders.
Ayon sa BIR, magpapatuloy ngayong Marso ang cluster kickoffs nilang bahagi ng nationwide rollout ng 2026 Regional Tax Campaign para paghandaan sa peak filing season.










