Saturday, March 7, 2026

Mga hakbang laban sa nakaambang pagtaas ng presyo ng langis, inilatag ni PBBM

Inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang hakbang upang maibsan ang epekto ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, naghahanda na ang gobyerno ng mga konkretong hakbang upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa posibleng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Mahigpit ding pinababantayan ng Pangulo ang galaw ng presyo sa merkado upang maiwasan ang hoarding at profiteering ng ilang negosyante.

Paliwanag ng Pangulo, kapag naaapektuhan ang suplay ng langis, tumataas din ang presyo ng kuryente at maging ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments