*Cauayan City, Isabela- *Nasabat ng pulisya ang illegal na pinutol na kahoy na naka-karga sa van sa bahagi ng Brgy. San Pablo, Ilagan City, Isabela.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt.Col. Arnulfo Ibañez, hepe ng PNP Ilagan City ay isang konsernadong mamamayan ang nagpaabot sa kanilang himpilan kaugnay sa nakitang sasakyan na may kargang mga kahoy kaya’t agad na nagsagawa ng checkpoint ang pulisya sa posibleng dadaanan ng mga pinaghihinalaan.
Hindi pa umano naabot ng drayber ang checkpoint ay agad na nitong iniwan ang minamanehong Hyundai grace van na may palakang CTV 567 na may kargang 130 bdft. na nilagaring kahoy at tumakbo sa maisan.
Napag-alaman na galing sa Barangay Capellan ng nasabing Lungsod ang sasakyan at dadalhin sana ang mga naturang kahoy sa bayan ng Tumauini, Isabela.
Dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga narekober na nilagareng kahoy para sa tamang disposisyon.