Thursday, March 5, 2026

Mga influencer na nag-eendorso ng illegal online gambling, kinokonsiderang masampahan ng kaso —PNP-ACG

Kinokonsidera ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga influencers na nageendorso ng illegal online gambling.

Ayon kay PNP-ACG Director PBGen. Wilson Asueta, mahaharap ang mga nasabing influencers sa kaukulang legal consequences dahil sa pagaadvertise ng mga nasabing ilegal gambling sites.

Hinimok naman nya ang publiko na maging responsable online at tiniyak na gagawa ng kaukulang aksyon ang ahensya laban sa mga nagpa-facilitate ng labag sa batas na mga aktibad.

Ang nasabing pahayag ay kaugnay ng listahang inilabas ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC patungkol sa Top 10 influencers na nageendorso ng illegal online gambling sa bansa.

Kung saan inindorso na rin umano nila ito sa Meta para matakedown agad ang mga pages na may ilegal na content.

Facebook Comments