Naging mapagmatyag na ang cotabatenyo at nagbibigay na ng mga impomasyoon sa mga otoridad, katulad kahapon isang concern citizen ang nagtext sa hotline ng PNP na meron apat na bag ang iniwan sa ilalim ng bulaklak na Santan sa city plaza sa poblacion 5 na kahina-hinala umano dahil matagal ng iniwan sa lugar.
Dahil dito ay kaagad na nerespondehan ng PP1 at EOD Team ng City PNP ang naturang kaniha-hinalang bag na kinordon muna ang lugar at ginamitan ng water disruptor upang itoy masira, ito yung narinig na malakas na pagsabog kahapon 8:30 ng umaga sa downtown area…Mabuti na lamang at nagging negatibo sa bomba ang nasabing mga bag bagkus naglalaman ito ng mga notebook, uniform at libro….Itoy isunuksuk ng apat na estudyante sa mga santan na hindi pumasok o nag escape kahapon.
Kayat nagpasalamat ang PNP, Task force cotabato at 5th special forces sa pagiging alerto na ng mga cotabatenyo na kailangan palagiin ang pagbibigay ng impormasyon sa kanilang mga text hotline.
Mga iniwang bag nagdulot ng pagkaalarma sa city plaza
Facebook Comments