Mga interest group, nasa likod ng pagpapalutang ng mababang presyo ng palay para siraan ang Rice Tarrification Law ayon sa Department of Agriculture

Naniniwala si Agriculture Secretary William Dar na pinalaki ng ilang interest group ang isyu ng mababang presyo ng palay upang siraan ang Rice Tarrification Law (RTL).

Sinabi ni Dar, pinalulutang ang isyu upang maitulak ang amendment o pagbasura sa RTL.

Sa katunayan ayon kay Dar, maituturing nang maximum buying price ng National Food Authority (NFA) ang P19.00 per kilo na umiiral sa mga top-producing areas sa bansa.


Ayon pa kay Dar, ang bilihan ng palay ngayong second semester ng 2020 ay mas mataas na kumpara noong nakaraang mga taon.

Base sa survey report ng Philippine Rice Information System, noong September 16-30, ang palay prices ay nag-a-averaged sa P18.00 per kilo sa Central Luzon habang P19.00 kada kilo naman sa Cagayan Valley.

Ang naturang mga rehiyon ang kumakatawan sa 19% at 12.5% o katumbas ng 18.8 million metric tons ng total national harvest noong 2019.

Sa hiwalay na survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa huling dalawang linggo ng Setyembre, naitala ang farmgate prices ng palay sa P17.12/kg o 5.8% na mataas sa P16.18/kg na bilihan noong 2019.

Facebook Comments