Mga isasarang kalsada sa Maynila, alamin!

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang publiko sa pamamagitan ng Traffic Enforcement Unit nito na magkakaroon ng pagsasara at pag-iiba ng daraanan ngayong araw.

Base sa inilabas na advisory ng MPD ito ay dahil sa nakatakdang caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) senatorial slate na gagawin sa San Andres Manila Sports Complex.

Dahil dito ay magkakaroon ng road closures: ganap na 8:00 am sa mga sumusunod na daan sa Maynila:


– Kahabaan ng San Andres Street mula Adriatico Street Papuntang Guerrero Street
– Kahabaan ng Leveriza Street, mula Quirino papuntang San Andres Street

Maari naman dumaan sa alternatibong ruta ang mga sasakyan na:

– Manggagaling mula sa Roxas Boulevard at babagtasin ang San Andres Street ay pwedeng kumanan sa Adriatico Street hanggang makarating sa pupuntahan

– Habang ang mga mangagaling naman ng Taft Avenue/Quirino Avenue ay maaring kumanan sa L.M. Guerrero Street hanggang sa point of destination.

Paalala naman ng MPD na ang pagbubukas at pagsasara ng mga apektadong kalsada ay magbabase sa aktwal na kundisyon ng trapiko sa lugar.

Inaasahan na magsisimula ang caravan ng HNP mamayang ala una ng hapon.

Facebook Comments