Mga kababaihan sa Saudi Arabia, papayagan ng magmaneho ng sasakyan

World – Sa kauna-unahang pagkakataon, papayagan na ang mga kababaihan na magmaneho ng mga sasakyan sa Saudi Arabia.

Nagpalabas na ng proklamasyon ang hari ng Saudi Arabia na si King Salman na nagbibigay ng pahintulot sa mga babae na mabigyan ng lisensya at makapag-drive ng mga behikulo.

Inaasahan itong magsisimula sa Hunyo ng susunod na taon.


Ang nasabing kautusan ay para sa pagbabago at reporma sa ekonomiya ng Saudi kung saan kasama na ang mga kababaihan na magtatrabaho.

Facebook Comments