Mga kabahayan at establisyemento, naabo sa sunog sa Zamboanga del Sur

Sominot,Zamboanga del Sur – Nilamon ng apoy ang ilang mga bahay at establisyemento sa Brgy. Poblacion, Sominot, Zamboanga del Sur alas 10:50 ng umaga kahapon.
Kabilang sa nasunog ang RTW and Dry Goods Store, mga carinderia at ang katabi nitong sari-sari store.
Dahil walang fire truck sa lugar humingi ito ng tulong sa ibang municipyo at unang rumesponde ang BFP Midsalip.
Walang naitalang casualties sa nasabing insidente ngunit ilang mga nagmamay-ari ng stalls ang nagkukumahog na maisalba ang ilang mga kagamitan sa kanilang pwesto.
Idineklarang fire-out under control ang sunog pasado alas-1:00 ng hapon.
Tinatayang hindi bababa sa P1 milyon ang danyos sa naturang sunog.
Kasalukuyan namang isinasagawa ang clearing operation samantala nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsalip fire office.

Facebook Comments