Mga Kabataan, Pinasalamatan

Cauayan City, Isabela – Lubos ang ibinigay na pagkilala at pasasalamat ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III sa mga kabataan ng Isabela.

Ito ang naging buod ng kanyang talumpati sa ginaganap na 2nd Provincial Youth Summit ng lalawigan ng Isabela.

Ang 2nd Provincial Youth Summit na dinadaluhan ng 350 na mga kabataan mula sa ibat ibang panig ng Isabela ay ginaganap sa JAPI Hotel, Maharlika Hiway, Cauayan City, Isabela na nagsimula ngayong araw at magtatapos bukas ng Disyembre 8, 2017.


Kanyang sinabi sa kanyang talumpati na kaya nakakamit ng lalawigan ng Isabela ang mga parangal gaya ng dalawang magkasunod na taon na pagkakatanghal ng Banbanti Festival bilang pinakamagandang festival sa Pilipinas sa dalawang magkasunod na taon ay dahil sa kontribisyon ng mga kabataang Isabelino.

Ang lalawigan ng Isabela ay hall of famer din ng Seal of Good Local Governance at dalawang magkasunod na taon din na nakatanggap Gawad Kalasag Awards.

Ipinahayag pa ng gobernador na bilang pagkilala sa kakayahan ng mga kabataan ay itatayo ang Provincial Youth Development Office ng pamahalaang panlalawigan sa susunod na taon ng 2018.

Ang naturang tanggapan ay kanya ring popondohan para maasikaso ng mga kabataang ang mga gawaing pangkabataan gaya ng sports.

Sa talumpati ng gobernador ay kanya ding ini-anunsiyo sa naturang summit na may temang “Dunong at Impormasyon Tungo sa isang mas Organisadong Kabataang Isabelino” ay may pamaskong regalo pagkatapos ng naturang pagtitipon ay hiyawan at palakpakan ang mga kalahok.





Facebook Comments