Muling sinuyod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) clearing operation team ang ilang mga kalsada sa Quezon City.
Kabilang sa kanilang sinuyod ay ang mabuhay lanes sa Barangay East Kamias kabilang na rito ang K to J Streets at 15th Avenue.
Aabot sa 17 na sasakyan na ilegal na nakaparada sa gilid ng kalsada ang nahatak ng MMDA at nasa 61 na indibidwal ang nabigyan ng ticket dahil sa iba’t ibang paglabag sa traffic violations.
Ang operasyon ng MMDA ay bunsod ng mga natatanggap nitong reklamo sa mga sasakyang ilegal na nakaparada sa gilid ng mga kalsada.
Facebook Comments