Mga kapalpakan sa MRT, iimbestigahan ng Senado

Manila, Philippines – Inihain ni Senador Grace Poe ang resolution number 355 na nagsusulong ng imbestigasyon sa Metro Rail Transit o MRT line 3.

Basehan ng hakbang ni Senator Poe ang inefficient management at maintenance ng MRT kaya tumataas ang bilang o madalas na ito ay may aberya na labis na nagpapahirap sa mga pasahero.

Nais ding busisiin ni Poe kung ano ang nangyari bilyung pisong maintenance contract na pinasok ng MRT3 pero hanggang ngayon ay tila walang improvement sa serbisyo nito.


Bukod dito, nais ding busisiin ni Senador Poe ang mga bagong trains mula sa Dalian Trains na nakatiwangwang at hindi mapakinabangan.

DZXL558

Facebook Comments